Dalawang mananaya ang naging instant milyonaryo matapos manalo sa magkahiwalay na lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Ang unang bettor ay nanalo ng mahigit sa ₱116.5M nang mahulaan nito ang winning combination na 52-08-41-11-27-31 sa 6/55 Grand Lotto draw.

Tumama naman ng mahigit sa ₱10.8 milyon ang isa pang mananaya dahil nahulaan nito ang 6-digit winning combination na 03-28-17-11-26-16 sa draw ng 6/42 Lotto.

Aabot sa 20 porsyento ang ikakaltas sa premyo ng dalawang mananaya alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.