Bugallon, Pangasinan — Nasamsam ang halos isang milyong halaga ng umano’y shabu mula sa isang 31-anyos na lalaki sa Brgy. Umanday rito.

Naaresto ang suspek na kinilala bilang alyas Kent Mark sa bisa ng Search Warrant No. 2023-0172-D at nagresulta ng pagkasamsam ng 123.15 gramo ng umano’y shabu na may tinatayang halaga na ₱837,420.

Bukod sa umano’y shabu, nasamsam din sa suspek ang isang 40mm live ammunition, dalawang M16 riffle magazine, at maliit na metal container.

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!

Nasa kustodiya na ngayon ng Bugallon police ang naarestong suspek.