Mahigit sa 2,000 estudyante ang binigyan ng scholarship assistance na aabot sa ₱10.3 milyon sa Cagayan kamakailan.

Ang pamamahagi ng nasabing tulong pinansyal ay isinagawa nitong Agosto 24-25.

Partikular na tumanggap ng tulong ang mga purok agkaykaysa scholars ng Provincial Government of Cagayan.

Sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office, ang mga estudyante ay taga-Gattaran, Ballesteros, Baggao, Tuguegarao City, Lal-lo, Lasam, at Allacapan..

Ang Purok Agkaykaysa Scholarship program ay taunang programa ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong matulungan ang mga “poor but deserving” student sa kanilang pag-aaral.

Probinsya

Ligaw na bala, tumagos sa ulo at leeg ng 12-anyos!