Halos 1,000 na magsasaka sa Quezon ang tumanggap ng tig-₱5,000 ayuda kamakailan.

Ito ang isinapubliko ng Department of Agriculture (DA)-Region 4A (Calabarzon) nitong Huwebes at sinabing saklaw ng nasabing tulong ang limang bayan sa nabanggit na probinsya.

Ang pamamahagi ng ayuda ay isinagawa ng DA sa Tayabas, Quezon nitong Agosto 3.

Isinagawa ang aid distribution alinsunod na rin sa programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ng DA.

Layunin ng ahensya na mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka sa kanilang sakahan.

Probinsya

Mangingisda sa Quezon, may pabuyang ₱100k kapalit ng nadiskubreng ₱16M na cocaine