Nangako si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Biyernes, Hulyo 7, na patuloy niyang isusulong ang  ₱150 na taas-sahod para sa mga manggagawa sa bansa.

Inihayag ito ni Zubiri matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (NCR) ang ₱40 na umento sa arawang sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.

MAKI-BALITA: ₱40 umento sa arawang sahod, inaprubahan sa Metro Manila

Ayon kay Zubiri, hindi sapat ang ₱40 na dagdag-sahod sa NCR, ngunit ito na umano ang simula. 

“This is why I am amenable to a ₱100 hike for NCR. It’s just mathematics—taken together, the ₱40 wage board increase and the ₱100 legislated increase brings us to ₱140, which is not far from our proposed figure,” ani Zubiri.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Binigyang-diin naman ni Zubiri na patuloy niyang isusulong ang ₱150 na umento sa sahod lalo na sa mga probinsya dahil sa ngayon umano ay para lamang sa NCR ang naturang ₱140 wage increase.

Matatandaang buwan ng Marso nang isulong ni Zubiri ang Senate Bill No. 2002 o ang Across-the-Board Wage Increase Act of 2023, na naglalayong taasan ng ₱150 ang pang-araw-araw na sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor ng bansa.

MAKI-BALITA: Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers