PAGBILAO, QUEZON -- Tinatayang nasa ₱3.6 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa naarestong high value individual (HVI) sa Barangay Sta. Catalina dito nitong Biyernes, Hulyo 7.

Photo by Quezon PNP-PIO via Danny Estacio
Kinilala ni Quezon Police Director Col. Ledon Monte ang suspek na si Samuel Marino, alyas Sam, 23, residente ng nasabing lugar.
Probinsya
‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis
Sa ulat ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Quezon, matagal nang minamanmanan si Marino dahil sa kaniyang aktibidad sa droga sa bayang ito.
Nagsagawa ng buy-bust operation pulisya at dito nahuli siyang nagbebenta ng iligal na droga sa mga operatiba na nagpapanggap na poseur-buyer.
Nakuha mula sa suspek ang 15 sachets at isang nakabuhol na plastic bag na may lamang umano'y shabu na may timbang na 180 gramo, at may street value na ₱3,672,000. Nakuha rin sa suspek ang marked money na ginamit sa buy-bust.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022 si Marino. Kasalukuyan din itong nasa kustodiya ng Pagbilao MPS para sa proseso ng dokumentasyon ng kaso.