Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar at tumaya na ng lotto.

Ayon sa PCSO, milyun-milyong papremyo na naman ang naghihintay sa kanilang mga parokyano sa gagawing lotto draws ngayong alas-9:00 ng gabi ng Martes.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 ay aabot na sa higit P15.8 milyon.

Samantala, ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 ay tinatayang papalo na sa₱14.5 milyon.

“Ano pang hinihintay ninyo, sugod na sa mga lotto outlets at bumili na ng mga tickets ninyo,” ayon pa sa PCSO.

National

PNP, nakahanda sa posibleng pagbabalik-bansa ni Zaldy Co

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola ng Lotto 6/42.