Umabot sa ₱190 milyong halaga ng smuggled na puting asukal at karne ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales nitong Huwebes.
Isinagawa ng BOC Port of Subic at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang operasyon kasunod na rin ng paghingi ng tulong ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa mga kargamentong lulan ng 58 container van.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 30,000 sakong asukal na nagkakahalaga ng ₱150 milyon at ₱40 milyong halaga ng puslit na frozen meat.
“The BOC continues to maximize its intelligence resources and intensify enforcement measures to thwart all attempts of smuggling, especially those involving agricultural products that negatively impact our local farmers and businesses,” ayon sa pahayag ng ahensya.
Inihahanda na ng BOC ang patung-patong na kaso laban sa mga consignee ng mga puslit na produkto.