May pinasasaringan kaya ang TV personality na si Karla Estrada sa kaniyang recent Facebook post?

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Enero 19, sinabi ni Karla na ayaw niyang mabuhay na may poot.

"Ano kaya ang magandang gawin natin today? Para maging productive tayo para sa DIYOS, sarili at pamilya! Basta ako , ayoko mabuhay sa poot lalo na kung ibang tao ang may sala!"

Pagbibigay-diin pa niya, "ARAW ARAW KONG LILINISIN ANG BASURA SA BAKURAN KO BAGO AKO MAGMALINIS SA TINGIN NG IBA."

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

"Ay wait…may mga monthly Bills pala tayong dapat intindihin! Trabahador na daliii! Hangang sa muli,,, babu!"

Gayunman, hindi malinaw kung may pinasasaringan ba ang aktres sa kaniyang post.

Sa naturang post, hindi rin nagpahuli ang mga netizen na maglabas ng kanilang saloobin.

"Di nila problemahin mga problema nila. Problema ng iba laging inuuna. Hilig makisawsaw tsk."

"Yong iba nagmamalinis.. peru hindi nila naisip ang kasabihan na walang taong perpekto sa mundo ito.😅😅🤩"

"Andami kasing ang ampeperfect lalo na sa pinas 😂 ang lilinis mga santo yan 😆"]

"Celebrity is celebrity kung ayaw nyung mapuna umayos lng kc nakatutok tlga mata ng mga tao sa inyu di naman pwedeng lahat lang maganda makita minsan ok din un makita mali para maitama good vibes lang dapat love love❤️❤️❤️"

"Totoong ang daming prolema sa loob pa lang ng tahanan at ng mga sarili natin dapat yon lang pagtuunan ng pansin. wag ang buhay ng ibang Tao wag magmalinis lahat tayo may mga dumi na di malinislinis. Yaan niyo na kanya kanya tayo ng linis ng mga sarili natin mas ikakatuwa yong ng panginoon dahil yon ang tama🙂"

"Korek ka jan mamshi, sapul mga taong magaling makiaalam ng buhay ng iba"

"Pag nasa social media,expect natin iba-ibang reaction.Malaki kase influence pag celebrity ka.Expected na natin na every action ,may reaction.May mga bata din na may access sa socmed,kaya dapat ingat sa salita at gawa"