Hindi pa napapanalunan ang halos₱300 milyong jackpot sa isinagawang Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules ng gabi.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi pa rin napanalunan ang winning combination na07-09-51-02-24-39 na may premyong₱298,452,472.00.

Ang susunod na Grand Lotto 6/55 draw nito ay sa Sabado.

Bukod dito, hindi pa rin natamaan ang Megalotto 6/45 na may jackpot na₱8,910,000.00.

Ang winning combination nito ay 39-10-07-42-36-22.

National

VP Sara supporters, dumagsa sa Davao City para sa 'Inday Sara Duterte 2028 Movement' rally