Inaprubahan na ng gobyerno ang dagdag na₱1,000 sa suweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila, ayon saNational Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB).

“Our wage increase for our kasambahay of additional₱1,000 a month, bringing the monthly take home of our kasambahays in NCR to₱6,000 a month,” sabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Director Rolly Francia sa isang panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

Sa datos ng DOLE, mahigit sa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa Metro Manila ang inaasahang makikinabang sa ipaiiral na minimum wage increase.

Gayunman, nakukulangan pa rin si DOLE Secretary Silvestre Bello sa dagdag na sahod.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

“In fact, sabi ko nga ‘yung increase to₱6,000 eh napakababa pa ‘yun kasi sabi ko nga ngayon, nagbabayad na ako ng 7 (kasambahay) eh ‘di ba kasi ‘yung pagkakaroon ng kasambahay is not a necessity. To me, it’s just a luxury eh,” paglilinaw ni Bello.

Pag-aaralan pa rin ng National Wages and Productivity Commission ngayong Huwebes ang desisyon ng NCR-TWPB.

Sakaling maaprubahanang desisyon, ilalathala muna ito sa pahayagan at pagkatapos ng 15 araw ay ipatutupadna ito.

Nauna nang isinapubliko ngPhilippines Statistics Authority (PSA) na aabot na sa 1,864,065 kasambahay ang namamasukan sa buong bansa.