Inihayag ni DTI Secretary Ramon M. Lopez na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Timog Silangang Asya na magkakaroon ng SpaceX internet service ni Elon Musk sa pamamagitan ng satellite.

Ang iminungkahing proyekto ng Space Exploration Technologies Corp. (SpaceX) sa bansa ay inaasahan matatapos sa natitirang tatlong buwan o bago magbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ayon kay Lopez, tinutulungan ng Board of Investments (BOI) ang aplikasyon ng SpaceX habang binibisita rin nila ang lokasyon ng kanilang mga gateway upang matiyak na matutupad ang proyekto sa loob ng huling tatlong buwan ng administrasyon Duterte.

Sinabi rin ni Lopez na tinatapos pa ng kumpanya ang investment figures.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ang SpaceX ay magbibigay ng internet services sa Pilipinas gamit ang Low Earth Orbit (LEO) satellite network constellation na tinatawag na Starlink. Binubuo ang constellation ng mahigit 1,600 satellite sa kalagitnaan ng 2021, at kalauna'y bubuo ng libu-libong mass-produced small satellines sa LEO, na nakikipag-ugnayan sa mga itinalagang ground transceiver.

Magbibigay-daan din ang SpaceX sa mas mabilis na broadband speed, mas mahusay na koneksyon, mas maraming kapasidad para sa telecommunication services at mas abot-kayang presyo para sa mga consumer.

 “Their system will augment as well as complement existing broadband capacities. This will further capacitate micro, small, and medium enterprises (MSMEs), facilitate online learning, e-commerce and fintech,” saad ni Lopez.

Nagsagawa kamakailan ng meeting si Lopez kasama ang mga senior executive ng SpaceX na sinaRebecca Hunter at Ryan Goodnight, National Telecommunications Commission Deputy Commissioner Edgardo Cabarios at DFNN Executive Chairman Ramon Garcia Jr.