Isang taga-Cavite ang naging bagong milyonaryo nang mapanalunan ang ₱8.9 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Ipinaliwanag ni PCSO general manager Royina Garma, nahulaan ng nasabing mananaya ang six-digit winning combination na 02 -30-45-42-27-17 ng Mega Lotto 6/45 na may katumbas na jackpot na ₱8,910,000.

Ang winning ticket ay nabili umano sa General Trias, Cavite, ayon sa PCSO.

Pinayuhan din ng PCSO ang naturang mananaya na magtungo na lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong City, dalhin ang winning ticket at valid identification (ID) cards upang makubra ang premyo.