Arestado ang isang pinahihinalaang big-time drug pusher sa ikinasang buy bust operation ng pulisya nang masamsaman ng ₱102 milyong halaga ng iligal na droga sa Caloocan City nitong Lunes ng madaling araw.

Nakakulong na ang suspek na si Randy Rafael, 42, taga-2279 P. Dandan Street, Pasay City.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, si Rafael ay tauhan umano ng isang Chinese na supplier ng droga sa Metro Manila.

Dakong 1:20 ng madaling araw nang ikasa ng mga awtoridad ang anti-drug operation na ikinaaresto ng suspek saBaesa Road, Barangay 161, Zone 14.

Bukod sa iligal na droga, nasamsam din kay Rafael ang marked money, ayon sa mga imbestigador.

Metro

2 lalaking tumakas matapos magpakarga ng ₱1.5k halaga ng gas, timbog!

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag Republic Act9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Orly Barcala