Sa second part ng Marriage 101 featuring fashion icon and actress Heart Evangelista at Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero sa Youtube channel ng broadcast journalist Karen Davila, tell-all ang aktres sa kinikitang halaga mula sa kanyang painting collection.

Kuwento ng aktres, isang aksidente lang ang pagkakadiskubre niya sa kanyang painting career. Sa ngayon, all-set na ang isang upcoming project kung saan itatampok ang digital print ng kanyang mga obra sa isang international collaboration.

Larawan mula sa Instagram ni Heart

Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

Agad naman tinanong ni Karen ang aktres kung malaki ba ang kinikita nito sa pagpipinta.

“Yes, I get a lot, a bulk of the money from that especially with bags but I stopped it so I want it to be limited edition but I earned a lot,” pagbabahagi ng aktres.

Binahagi rin ng aktres na sa pagpipinta niya nabibili ang mga luxury bags kung kaya’t naging motivated siya sa kanyang painting career.

“A lot of my expenses from my bags came from my painting,” sabi ni Heart.

Kasunod na tinanong ng journalist ang three-piece art tampok ang all-women-subject painting na inabot pa ng isang taon bago nabuo.

“I enjoy painting women and so I said ‘Okay, I’m gonna add two more panels and make it a set,”’ pagbabahagi ni Heart kung bakit tatlong pieces ang nasabing obra.

This image has an empty alt attribute; its file name is 240403561_146308564348343_5387770595406370784_n-481x600.png
Larawan ng isa sa three-piece, all-women-subject painting ni Heart Evangelista (Instagram)

Habang hindi niya planong ibenta ang three-piece art, marami raw ang nagpahayag na ng interes para bilhin ito.

Isang hypothetical question naman ang sinagot ni Heart kung sakaling ibebenta ang piece at magkano ang kanyang aabuting komisyon.

“This would be about 6M [six million],” pagbubunyag ni Heart.

Pagdedetalye ng aktres, hindi bababa sa halagang P200, 000 ang kanyang bag handpaint commission habang naglalaro sa P600, 000 hanggang P3 milyon ang kanyang mga regular panel art na kamakailan lang ay nabili rin ng isang client.

Biro pa ng journalist, “sana hindi mo na pinag-shopping lahat” na agad namang kinumpirma ng aktres na inilagak niya sa kanyang savings.

Kasunod na ipinakita ng aktres ang isang obra na itinampok sa Harper’s Bazaar US at kalauna’y ginamit din bilang cover art sa cover ng Latina star Jennifer Lopez sa parehong magazine.

Painting ni Heart na itinampok sa Harper's Bazaar (Instagram)

Nagkaroon ng exclusive tour si Karen sa iba pang paintings ng aktres na makikita sa iba’t ibang parte ng tahanan.