Walang sinumang indibidwal o organisasyon ang maaaring kumuha ng credit o pagkilala para sa National Vaccination Program ng Pilipinas.
Ito ang binigyan-diin National Task Force Against COVID-19 (NTF) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaya naman nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga vaccination sites.
Paliwanag ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nagsasagawa na sila ng monitoring upang mabantayan kung may mga nakabalandrang tarpaulin ng mga politko o mga political groups sa mga vaccinate site.
Iginiit ni Galvez na walang maaaring kumuha ng credit sa nagaganap na pagbabakuna kontra COVID-19 kundi ang gobyerno lamang dahil whole of government at whole of society approach ito.
Beth Camia