Inanunsiyo ng mga researcher sa Israel na natagpuan nila ang mga buto na mula sa isang “new type of early human” na hindi pa kilala sa larangan ng agham, isang diskubre sa usapin ng human evolution.
Naghukay ng grupo mula sa isang lugar malapit ng Hebrew University of Jerusalem sa lugar malapit sa siyudad ng Ramla ang mga prehistoric remains na hindi tumugma sa anumang kilala species mula Homo genus, kabilang ang modern humans (Homo sapiens).
Sa pag-aaral na inilabas ng journal Science, tinawag ng University of Tel Aviv anthropologists at archaeologists na pinamumunuan ni Yossi Zaidner ang nadiskubre na “Nesher Ramla Homo type” matapos matagpuan sa site ang mga buto.
May petsa sa pagitan ng 140,000 at 120,000 years ago, “the morphology of the Nesher Ramla humans shares features with both Neanderthals… and archaic Homo,” ayon sa pahayag ng mga researchers.
“At the same time, this type of Homo is very unlike modern humans — displaying a completely different skull structure, no chin, and very large teeth.”
Kasama sa labi ng nahukay ng tao, ang malalaking bilang ng buto ng hayop gayundin ang mga kagamitan na yari sa bato.
“The archaeological finds associated with human fossils show that ‘Nesher Ramla Homo’ possessed advanced stone-tool production technologies and most likely interacted with the local Homo sapiens,” ani archaeologist Zaidner.
“We had never imagined that alongside Homo sapiens, archaic Homo roamed the area so late in human history”.
Ayon sa mga researchers ilan sa mga fossils na una nang nadiskubre sa Israel na may tagal na 400,000 years ay maaaring kabilang sa kaparehong prehistoric human type.
Ang pagkakadiskubreng ito ay nagbukas ng kuwestiyon sa widely-accepted theory na unang umusbong ang mga Neanderthals sa Europe bago naglabay patungo ng south.
“Our findings imply that the famous Neanderthals of Western Europe are only the remnants of a much larger population that lived here in the Levant — and not the other way around,” pahayag ni anthropologist Israel Hershkovitz ng Tel Aviv University.
Ayon naman kay Dentist at anthropologist Rachel Sarig ng Tel Aviv University “[the find suggested that] as a crossroads between Africa, Europe and Asia, the Land of Israel served as a melting pot where different human populations mixed with one another, to later spread throughout the Old World.”