TACLOBAN CITY - Tadtad ng tama ng bala ng baril ang isang mag-asawang rebel returnee at isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang matagpuan ang kanilang bangkay sa isang sementeryo sa Calubian, Leyte, nitong Martes ng hapon.

Sa paunang ulat ng Calubian MunicipalPolice, nakillala ang tatlo na sina Paquito Mahinay, Melba Maginay, at taga-Barangay Anislagan, Calubian, at Albert Aldiano, miyembro ng CAFGU at nakatalaga sa 93rd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa Kananga, Leyte.

Sinabi ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng tatlo sa sementeryo ng Brgy. Padoga nang itawag ito sa kanila ni Calubian Vice Mayor Gilbert Ponce.

Sa imbestigasyon, tadtad ng tama ng bala ang tatlo bukod pa sa mallalaking sugat ni Melba na nilaslas din ang leeg.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Ayon sa mga awtoridad, bago matagpuan ang bangkay ng mga ito, nakitang magkaangkas sa motorsiklo sina Paquito at Aldiano at nagtungo sa Brgy. Anislagan upang sunduin si Melba, nitong Hulyo 14.

Dakong 5:00 ng hapon nang umalis sa nasabing lugar ang tatlo at pabalik na sana sa kampo ng 93rd IB kung saan nakakustodiya si Paquito para sa seguridad nito.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaslang.

Marie Tonette Marticio