Maaari nang lumabas ang mga senior citizen na nasa General Communtiy Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas na pawang tapos nang sumailalim sa bakuna.

Ito ay matapos ianunsyo ng IATF na pinapayagan na ang mga fully vaccinated na senior citizen na makalabas ng kanilang mga bahay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, kinakailangan lamang ng mga senior citizen na ipresenta ang kanilang COVID-19 vaccination card, at sumunod pa rin sa mga itinakdang minimum public health standards.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na limitado pa rin ang movement ng mga senior citizen sa kanilang lugar na ang ibig sabihin, ipinagbabawal pa rin ang interzonal travel para sa mga nakatatanda maliban na lamang kung point-to-point travel na una nang pinayagan ng IATF.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

“The movement of fully vaccinated senior is, however, limited to travel within their zone as interzonal travel is still prohibited, except for point-to-point travel that was previously allowed,” pahayag ni Roque. Beth Camia