Tinatayang aabot sa P1,300,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang babae sa ikinasang buy-bust operation sa isang fastfood chain sa Muntinlupa City nitong Martes.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brigadier General Jimili Macaraegang dalawa na sina Roxane Alcaide, 28, at taga-No. 17 Remirata Street, Barangay San Vicente, San Pedro Laguna; at Joana Leoncio, 18, ng Bgy. San Vicente, San Pedro, Laguna.
Sa imbestigasyon ng SPD, ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit at District Intelligence Division sa isang mall sa lungsod, dakong 8:00 ng gabi.
Binentahan umano ng mga suspek ng umano'y iligal na droga ang police poseur buyer na nagresulta ng kanikang pagkakaaresto.
Nahaharap sina Alcaide at Leoncio sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea