Huling naiulat na nasa bingit ng kamatayan ang isang senior citizen makaraang pagtatagain ng kanyang step father sa Malabon City, nitong Martes ng gabi.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Marcelino Austria, 63, binata, at taga-127-31 Dulong Bronze Street, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, sanhi ng mga sugat sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang inaresto ng pulisya ang amain ng biktima na si Eduardo Aguilar, 73, biyudo, kasamahan sa bahay ng una.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay, dakong 6:30 ng gabi.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Austria at Aguilar kaugnayng ipinapa-repair nilang bahay.

Sa matinding galit ng suspek, kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima.

Sa kabila nito, nagawa pa ring makatakbo ni Austria sa presinto ilang metro lamang ang layo sa kanilang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Orly Barcala