Nanindigan si dating Senador Antonio Trillanes IV na kinokonsidera pa rin ng oposisyon si Bise Presidente Leni Robredo bilang standard-bearer sa presidential elections sa susunod na taon.

Binigyang-diin ng dating senador na dapat magdesisyon na si Robredo para sa kanyang kandidatura “earlier than later” upang makapaghanda ang oposisyon sa darating na botohan.

Tinitingnan pa rin bilang presidential candidate ng Liberal Party at opposition coalition 1Sambayan, na pinangungunahan ni former Senior Associate Justice Antonio Carpio ang bise presidente. Subalit ayon kay Robredo ay wala pa siyang desisyon sa kanyang planong politikal sa 2022.

Hindi pa kinukumpirma kung tatakbo ba siya sa pinakamataas na posisyon o kung tatakbo siya bilang gobernador ng Camarines Sur.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Ayon sa kanyang spokesperson, maaaring ipahayag ni Robredo ang kanyang plano “as late as September,” isang buwan bago ang opisyal na filing ng certificates of candidacy (COCs) para sa nasyonal na eleksyon.

Sinabi ni Trillanes na mas mabuti kung makakapagdesisyon ng mas maaga si Robredo para sa preparasyon ng oposisyon.

“Let me make that distinction about decision and declaration. The decision can be made quietly, privately, so that you can make the necessary preparations and you can make the declaration later, a few days before the October filing,”ayon kay Trillanes.

Bilang halimbawa, binanggit ng datin senador ang ginagawa ngayon ng administration candidates para sa halalan 2022.

“Most of them have decided and yet none of them have officially declared. But the preparations are going on,” Aniya

“They are going to win not only public support, but also local support as what they have been doing. That’s the edge that we are losing,” .

Raymund Antonio