Nagbabadyang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.55 hanggang P0.65 ang presyo ng kada litro ng gasolina; P0.30-P0.40 sa presyo ng diesel at P0.20-P0.30 naman sa presyo ng kerosene.
Ang napipintong oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Bella Gamotea