ni MARY ANN SANTIAGO
Pinagsasaksak at napatay ng isang lalaki ang isang helper na nakaalitan umano ng kanyang misis, habang mahimbing itong natutulog sa Port Area, Maynila, nitong Linggo ng hapon.
Binawian na ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Jerson Aguilar, 26, helper, at taga-No. 40 Block 1, Aplaya, Baseco Compound, Port Area.
Kaagad namang naaresto ang suspek na nakilalang si Ryan Conde, 29, at taga-041 Block 1, Aplaya, Baseco Compound.
Sa ulat ni PMSg Dennis Suba, ng Manila District District (MPD)- Homicide Section, nag-ugat ang krimen nang awayin umano ni Aguilar si Wilma Quitorio na asawa ni Conde dakong 8:00 ng umaga.
Pagsapit ng 11:30 ng umaga ay natiyempuhan umano ni Conde ang biktima na mahimbing na natutulog sa isang plastik na upuan sa naturang lugar kaya niya ito pinagsasaksak.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.