ni Beth D. Camia

Sa layong matugunan ang kakulangan ng pasilidad sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19), magtatayo ang Philipine Red Cross (PRC) ng mga isolation facility sa mga unibersidad at paaralan sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ang mga silid-aralan at dormitoryong hindi nagagamit sa UP Diliman, De La Salle University, Ateneo de Manila University, at Adamson University.

Magtatayo rin ng isolation facilities sa Makati Science High School, Villamor Airbase Elementary School sa Pasay City, P. Manalo Elementary School sa Mandaluyong City, Sto.Rosario Elementary School sa Pateros, at Tala Elementary School sa Caloocan City.

Comelec, inoobliga na mga kandidato na iparehistro ang kanilang social media accounts

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang PRC sa 10 pang paaralan gagawing isolation facility.

Tiniyak din ng PRC na sapat ang suplay ng pagkain, malinis na palikuran, at nurse at doktor.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na maaaring tumawag sa hotline 1158 upang tingnan ang availability ng mga isolation facility.

Dagdag pa ni Gordon na ang City Epidemiology and Surveillance Unit ang makikipag-ugnayan sa PRC na magdadala ng mga pasyenteng may mild o asymptomatic.