ni Leonel Abasola
Tinututulan ng isang senador ang panibagong panukala na magkaroon ng nationwide academic break dahil sa hirap na nararanasan ng maraming mag-aaral sa distance learning.
Ayon kay Senator Win Gatchalian, ang mga paaralan sa parehong basic at higher education ang dapat magpasya kung kailangang magpatupad ng academic break dahillabis na maaapektuhan ang mga mahihirap na mag-aaral kung muling maantala ang kanilang edukasyon.