ni Bella Gamotea

Sinimulan ngayong araw ng Biyernes ang pamamahagi ng emergency relief assistance ang Las Pinas City Government sa mga residente sa lungsod.

Ang lungsod ay binubuo ng 20 barangay mula sa District 1 at District 2.

Pinangunahan mismo nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Las Pinas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Chief Juneth Barilla ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga benepisyaryong Las Pineros.

Eleksyon

Vendor, kakandidatong senador; nanawagan ng tulong para sa anak na may rare disease

Samantala, sa Barangay Talon Tres sa liderato ni Chairman Christopher Lucena na nasa 500 benepisyaryo ang inaasahang makatatanggap ng ayuda na ginanap ang payout sa Carmencita Village Covered Court ngayong araw.

“Ang 500 po ay nasa inisyal pa lamang sa ating listahan kung saan P1,000 bawat miyembro po maximum na P4,000 ang kanilang matatanggap kada pamilyang may apat na miyembro pataas,” ayon kay Kapitan Lucena.

Siniguro naman ni Chairman Lucena na asahan ng mga residente na magsasagawa sila ng payout sa bawat araw.

Batay sa nakatakdang prayoridad ng Joint Memorandum Circular No. 1 ng DSWD, DILG, at DND kung saan ang unang makatatanggap ay ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2;SAP wait-listed beneficiaries;mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga low-income individuals na walang kasama, PWDs, solo parents at iba pa.