Ni NORA V. CALDERON

Sa 32nd birthday ng actor na si Gerald Anderson last March 6, nag-celebrate siya kasama ang 300 Aeta families sa Lupang Pangako Resettle­ment Area in Barangay San Agustin in Iba, Zambales, at siyempre pa, kasama ang kanyang love na si Julia Bar­retto.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Ang relief operation ay pinost ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Fa­cebook account, dahil sila ang tumulong kay Gerald sa pag­di-distribute ng mga basic commodities tulad ng bigas, canned goods, instant noodles, biscuits, coffee, choco­late drink at supplies for personal hygience.

Sumapi pala si Ger­ald sa Philippine Coast Guard on December, 2016, may rank siyang Lieutenant Commander, at officially part of the agency’s K9 Special Sup­port Squadron. Nag­pasalamat si Gerald sa PCG Public Affairs led by Commodore Armand Balilo, PCG Logistics Systems Command, PCG Station Subic, and the World Vision Philip­pines na siyang naglipat sa may 300 Aeta families from Botolan, Zambales to Lupang Pangako Resettlement Area, sa maayos at matagumpay na relief operations.