Tinapos na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang 31 taong gulang na kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at ng University of the Philippines (UP) noong 1989 na pinipigilan ang mga puwersa ng estado na pumasok sa mga lugar ng unibersidad, nakumpirma nitong Lunes ng gabi.

DEFEND UP Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante at faculty ng Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon Hall sa loob ng UP Diliman, Quezon City, kahapon matapos ianunsiyo ng Department of Nationa Defense (DND) na winakasan na nito ang DND-UP agreement na pinagtibay noong Hunyo 30, 1989. (Mark Balmores)

DEFEND UP Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante at faculty ng Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon Hall sa loob ng UP Diliman, Quezon City, kahapon matapos ianunsiyo ng Department of Nationa Defense (DND) na winakasan na nito ang DND-UP agreement na pinagtibay noong Hunyo 30, 1989.
(Mark Balmores)

Sa isang liham kay UP President Danilo Concepcion na may petsang Enero 15, 2021, sinabi ni Lorenzana na ang DND-UP Accord “is hereby terminated or abrogated effective this date.”

Ipinaliwanag niya na ang kasunduan ay nagtatakda ng ilang mga limitasyon kung saan pinipigilan ang mga yunit ng pulisya at militar na pumasok sa campus nang walang paunang komunikasyon mula sa administrasyon ng UP.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Binigyang diin niya na “aware” ang DND sa isang nagpapatuloy na lihim recruitment ng mga mag-aaral ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong pakpak nito, ang New People’s Army (NPA), sa loob ng mga UP campus sa buong bansa.

Sinabi ni Lorenzana na ang kasunduan ay nagsisilbing isang “sagabal” lamang sa mga puwersa ng gobyerno na hindi maaaring magsagawa ng anti-communist operations sa loob ng mga campus.

“These UP students were recruited by the CPP-NPA, an organization declared by the Anti-Terrorism Council (ATC) as a terrorist organization,” sinabi ni Lorenzana. Sinabi niya na ang kasunduan ay ginagamit lamang ng mga recruiter at tagasuporta ng CPP-NPA bilang “shield or propaganda so that government law enforcers are barred from conducting operations against the CPP-NPA” sa loob ng mga bakuran ng mga eskuwelahan.

“By reason of national security and safety of UP students, this Department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing ‘Agreement’ in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP-NPA recruitment,” diin ni Lorenzana.

Sinabi niya na ang mga ahensya ng nagpapatupad ng batas, partikular ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) “are willing to reach out to the youth” upang mapagtanto nila na sila ay “protectors worthy of trust, not fear.”

Gayunpaman, nagtatanong ang ilang mga sektor kung maaari bang unilateral na wakasan ng DND ang kasunduan.

Sinabi ng UP Office ng Student Regent na ang kasunduan ay “the outcome of countless sacrifices of UP students to fight for our democratic rights, to defend our freedom.”

Ang UP-DND Accord, kilala rin bilang Soto-Enrile Accord, ay nilagdaan noong Hunyo 30, 1989 ng pinuno ng mag-aaral na si Sonia Soto at ni noo’y Defense Minister Juan Ponce Enrile dahil sa disapperances ng mga mag-aaral na aktibista malapit sa mga campus ng UP sa panahon ng Martial Law.

Alinsunod dito, hinahangad nitong protektahan ang awtonomiya ng unibersidad mula sa anumang interbensyong militar.

“We highly condemn this move as an attempt to encroach on our academic freedoms and remove safe spaces from our campuses,” sinabi ng UP Office of the Regent sa isang tweet.

‘Gravely concerned’

Matindi ang pag-aala University of the Philippines (UP) President Danilo Concepcion sa unilateral termination ng matagal na kasunduan nito sa Department of National Defense na pinipigilan ang mga puwersa ng estado na pumasok sa mga campus ng UP.

Sa kanyang liham sa pagtugon na inilabas noong Martes, sinabi ni Concepcion na ang desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ay “unnecessary and unwarranted,” idinagdag na maaari itong makaapekto sa mga relasyon sa pagitan ng ahensya at ng state university.

“I must express our grave concern over this abrogation, as it is totally unnecessary and unwarranted, and may result in worsening, rather than improving, relations between our institutions, and detract from our common desire for peace, justice, and freedom in our society,” nakasaad sa liham ni Concepcion.

Idinagdag pa ni Concepcion na ang 31-taong UP-DND pact ay inalis nang tuluyan at walang paunang konsulta na sana’y tutugon sa mga alalahanin na itinaas ng Defense chief sa kanyang liham.

“Instead of instilling confidence in our police and military, your decision can only sow more confusion and mistrust, given that you have not specified what it is that you exactly aim to do or put in place in lieu of the protections and courtesies afforded by the agreement,” aniya.

Hinimok din ng University President si Lorenzana na “reconsider and revoke” pagwawakas at iminungkahi na magpulong ang mga opisyal ng UP at ang Defense chief upang talakayin “concerns in the shared spirit of peace, justice, and the pursuit of excellence.”

#DefendUP

Tinuligsa ng maraming mga progresibong grupo ang hakbang ng DND

Nanawagan ang UP Diliman chapter ng Akbayan Youth sa administrasyon ng UP na manindigan at labanan ang hakbang na ito ng gobyerno.

“We demand the UP Administration to fight for the rights of their constituents and to disallow the military to repress mobilizations in campus,” ayon dito.

Kinondena rin ng militanteng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang “brazen act of unilaterally abrogating this agreement” ni Lorenzana at kinuwestyon ang validity ng pagwakas sa kasunduan nang walang konsultasyon sa stakeholders.

Tinawag ni Anakbayan secretary general Vinz Simon ang hakbang na “desperate.”

“We are not speaking of freedom in abstract terms but in concrete, historical terms. Kaya nga nagkaroon ng kasunduan kasi may umabuso, ” sinabi ni Bayan secretary general Renato Reyes Jr.

Ginamit ng mga militanteng grupo ang mga hashtag na #DefendUP, #DefendAcademicFreedom, #StopTheAttacks, #JunkTerrorLaw, at #OustDuterteNow sa kanilang mga pahayag.

Noong Lunes ng gabi, nag-trend din ang hashtag na #DefendUP sa microblogging site na Twitter.

Martin A. Sadongdong, Alexandria Denise San Juan, Beth Camia at Raymund Antonio