Aabot sa 400 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P13, 188, 411 ang nasabat ng mga tropa ng pamahalaan nang tangkaing ipuslit sa Cotabato City, kamakailan.
Sa pahayag ng Port of Davao, sakay ng isang motorized banca ang nasabing kargamento habang ipinupuslit sa sa nasabing lungsod nang maharang ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, Philippine Marines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard sa ilog ng Rio Grande sa naturang lungsod, nitong Disyembre 7.
Kaagad na sinamsam ang kargamento dahil sa paglabag sa
Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
-Betheena Unite