Malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng pag-ulan bunsod ng namataang low pressure area (LPA) sa bansa.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang nasabing LPA sa layong 35 kilometro Timog-Timog Kanluran ng Alabat, Quezon kahapon.

Paglilinaw ni weather specialist Shelly Ignacio ng PAGASA, maliit lamang ang tsansa na mabuong bagyo ang nasabing LPA na makaaapekto sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Aurora, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Pangasinan.

-Ellalyn De Vera-Ruiz
Eleksyon

Ligaw na bala, tumama sa isang bata sa Davao—Comelec