Naniniwala si Speaker Lord Allan Velasco na nasa magandang posisyon ngayon ang Pilipinas para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) at makabangon sa nakapipinsalang epekto ng nasabing sakit sa susunod na taon.

Ito ang reaksyon ni Velasco matapos na maratipika ng Kamara at Senado ang P4.506 trilyong national budget para sa 2021.

Aniya, ang enrolled bill ng budget ay ipadadala sa Malacañang sa susunod na linggo para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“This budget reflects the serious commitment of the Duterte government to defeat COVID-19 and bring the economy back on track,” pahayag pa ng kongresista.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

-Bert de Guzman