Asahan muli ang napipintong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito ang abiso ng mga kumpanya ng langis sa bansa na nagsabing

posibleng tumaas ng P0.50 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P0.35-P0.45 sa diesel at P0.20-P0.30 dagdag-presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Nitong Disyembre 1, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng big-time oil price hike na P1.15 sa gasolina at P1.10 naman sa diesel at kerosene.

-Bella Gamotea