Inaresto ng pulisya ang dating mayor sa Sulu kaugnay ng umano’y pagkabigo nitong i-remit ang Government Service Insurance System (GSIS) premium ng mga empleyado nito, sa Zamboanga City, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Police Regional Office for Zamboanga Peninsula (PRO-9) Director Brig. Gen. Jesus Cambay, Jr., ang naaresto na si dating Lugus, Sulu Mayor Abdulsali Kangiluhan Asmadun, 66, may-asawa, at taga-Don Alfaro St. Bgy. Tetuan sa nasabing lungsod.

Si Asmadun ay dinampot ng mga tauhan ng Zamboanga City Central Police sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan sa kasong paglabag sa Republic Act 8291 (Revised Government Service Insurance Act of 1977).

Inirekomenda ng hukuman ang piyansang P10,000 sa bawat bilang ng kaso nito.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

-Nonoy Lacson