Walang plano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroonng holiday ceasefire kontra sa New People’s Army (NPA).

Ito ang pagmamatigas ni AFP spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo kasabay ng patuloy na pagbansag nila bilang terorista sa mga komunistang rebelde.

Gayunman, ipinaliwanag ni Arevalo na nakasalalay pa rink ay Duterte ang desisyon dahil siya ang kanilang commander-in-chief.

“The AFP — wishing and longing for a peaceful Yuletide season for the Filipino people notwithstanding — will not recommend to the commander-in-chief a holiday ceasefire with the Communist Terrorist Group (CTG),” ang bahagi ng pahayag ng AFP na isinapubliko ni Arevalo.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Ikinatwiran ni Arevalo, ginagamit lamang ng mga NPA ang ceasefire sa kanilang patuloy na pangingikil at paglusob sa mga tropa ng pamahalaan at iba pang pasilidad.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ng Malacañang na pag-aaralan nang husto ng pangulo ang pahayag ng AFP na hindi nila inirerekomenda na magkaroon ng tigi-putukan ngayong Kapaskuhan.

Aaron Recuenco at Argyll Cyrus B. Geducos