Bumaba ang naging kaso ng leptospirosis sa Quezon City kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Epidemiology and Disease Surveillance Unit chief Dr. Rolando Cruz ng Quezon City Health Office at sinabing nasa 83 porsiyento ang ibinaba ng kaso nito matapos maitala ang 58 kaso nito, kabilang ang tatlong binawian ng buhay mula Enero hanggang Nobyembre 21 ng taon.

Mas mababa aniya ito kumpara sa naitalang 345 kaso nito noong 2019.

Resulta lamang aniya ito ng pinaigting na prevention campaign ng lungsod laban sa nasabing sakit.

Eleksyon

Kim Chiu matapos makaboto: 'This is our power as Filipino citizens!'

“We immediately gave antibiotics such as doxycycline to our responders and citizens who were exposed to contaminated flood waters. Thankfully we were able to control the disease so far, and we hope to maintain this until the end of the year,” ayon pa kay Cruz.

-Joseph Pedrajas