Puspusan ang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na hinatulang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sinabi ni PNP chief General Debold Sinas, natanggap na nila ang direktiba mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng karampatang aksiyon para maaresto ang mag-asawang Tiamzon kaya’t pinakilos na niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG).

Inilunsad ang mahunt operation laban sa mag-asawang Tiamzon matapos ang hatol na guilty ng Quezon Regional Trial Court Branch 216 sa kasong kidnapping at serious illegal detention, na may katumbas na parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taon ng pagkakakulong nitong Biyernes.

Hinikayat ni Sinas ang mag-asawa na sumuko na lang at harapin ang kanilang kaso.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

-Fer Taboy