Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula sa Disyembre 1 ay pagkakalooban na nila ng libreng coronavirus diserase 2019 testing ang mga umuuwing Filipino seafarer sa bansa, sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA).

Bukod dito, sinabi ng DOTr na iwi-waive rin nila ang ilang port fees para sa shipping companies at operators, bilang bahagi ng pagsusumikap ng maritime industry na makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya.

Ayon sa DOTr, ang hakbang ay bahagi ng mga probisyon sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One Act” (Bayanihan 2).

Naglaan umano ang DOTr ng P270 milyong pondo para mabigyan ng libreng COVID-19 testing ang mga returning Filipino seafarers.

Eleksyon

Robin sa mga ‘emosyunal’ dahil kay FPRRD: 'Sa eleksyon n'yo po ilabas ang inyong nasa loob'

Paglilinaw naman ng DOTr, tanging ang mga seafarers lamang na uuwi sa mga daungan at paliparan ng bansa ang entitled sa free testing, na isasagawa ng service provider na kukuhanin ng PPA.

“Only inbound or returning Filipino seafarers who have disembarked through Philippine ports and airports are entitled to avail of the free COVID-19 testing, as covered by the Bayanihan 2 fund. This will be conducted by a service provider to be sourced by the PPA,” ayon pa sa DOTr.

-Mary Ann Santiago