Nakaalerto ngayon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibleng paghihiganti ng terror group na Bangsamoro Islamic Freedon Fighters (BIFF) matapos na mapatay ang bomb courier nito sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa panayam, inihayag ni Tacurong City Police chief, Lt. Col. Rey Egos, tiyak umanong maghihiganti ang mga terorista kaugnay ng pagkakapaslang sa kanilang kasamahan na si Abdul Rashid Soledad Lamalan, 26, sa isang checkpoint sa National Highway, Bgy. Montilla.

Kaugnay nito, umaapela naman ang opisyal ng kooperasyon ng publiko upang masugpo ang anumang karahasan na maaaring isagawa ng masasamang-loob, lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng tao ngayong Kapaskuhan.

-Fer Taboy
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?