May sapat na pasilidad ang gobyerno na mapaglalagakan ng mga bakunang aangkatin nito sa ibang bansa.
Ito ang tiniyak ng Malacañang kasabay ng pahayag na nakaalalay naman ang mga pribadong sektor sakaling kapusin sa imbakan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na may nakausap na siyang asosasyon ng mga cold storage na handang-handang makipagtulungan sa pamahalaan.
Bukod pa dito aniya ang mga cold storage facilities ng mga pharmaceutical company na puwedeng pagdalhan sa mga mai-import na COVID vaccine.
-BETH CAMIA