Ito ang bahagi ng ipinaiiral na sistema ng pamahalaan para sa pagsusulong na malansag ang talamak na korapsyon sa gobyerno.

Sa panayam, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, sa pamamagitan ng Text 8888, maaari nang idaan dito ang sumbong laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

Libre aniya ang pagte-text sa mga isusumbong na reklamo na babagsak sa 8888 Citizens’ Complaint Center, isa sa mga constituent offices ng Office of the President Strategic Action and Response Office.

Paglilinaw ni Roque, hindi lang mga iregularidad ang maaaring iparating sa Text 8888 kundi pati ang mga tatamad-tamad na empleyado ng gobyerno.

Eleksyon

Ex-Mayor Isko: 'Ang worry nila naging dugyot ulit ang Maynila'

Maaari rin aniyang ireklamo ang mga ahensyang napakabagal magbigay ng kanilang serbisyo, kasama na ang mga usad-pagong na government office na nagbibigay sana ng asiste sa mga kababayang humihingi ng tulong.

-Beth Camia