Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa kababaihan.
Sa botong 226, pinagtibay sa plenaryo ang House Bill 7722 na nag-aamyenda sa Presidential Decree 442 o ang Labor Code of the Philippines.
Layunin ng panukala na i-criminalize ang “discrimination against women on the basis of gender the act of favoring a male employee over a female employee with respect to assignment, promotion, training opportunities, study and scholarship grants solely on account of their sex or characteristics, whether actual or presumed.”
Ipinagbabawal ng HB 7722 ang pagsibak sa trabaho ng isang babae dahil siya ay buntis, habang naka-leave o habang nakaratay dahil sa pagbubuntis.
Ang employer na napatunayang nakagawa o nagtangka sa ano mang paraan na gawin ang ipinagbabawal na mga aksiyon, ay papatawan ng multang P200,000 at/o pagkabilanggo ng hindi kukulangin sa isang taon pero hindi lampas sa dalawang taon.
-Bert de Guzman