Hindi pabor ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang naghahangad na bawasan ang lingguhang iskedyul ng trabaho ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa 35 oras sa isang linggo na nagsasabing magreresulta lamang ito sa mas kaunting kita para sa mga empleyado.
“We are not in favor of it. The minimum working hours should still be 40 hours,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam nitong Linggo.
“If you reduce the working hours, the workers’ pay will also be reduced,” dagdag niya.
Kung ang hangarin ng panukalang ito ay upang mabawasan ang trapiko, sinabi ni Bello, maaari itong makamit sa pamamagitan ng iba pang mga hakbang.
“If that is the intention, they can just opt for the flexible work arrangements and work from home scheme,” aniya.
Ipinahayag din ng Defend Jobs Philippines ang pagtutol sa House Bill 309 na naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives noong nakaraang linggo.
“The proposed 35-hour work week is nothing but a clear attack to our Filipino workers’ wages, job security, and benefits,” sinabi ni Christian Lloyd Magsoy, Defend Jobs Philippines spokesperson.
Sinabi niya na “the proposed bill will eventually be used to legitimize contractualization and massive termination of workers across the country.”
Iginiit din niya na ang panukala ay magpapalala sa umiiral na mga kasanayan sa hindi pagbabayad ng mga overtime pay at iba pang mga benepisyo ng mga manggagawa.
Ipinagpahayag ng Defend Jobs Philippines na maglulunsad ng mga kampanya laban sa pagpasa ng HB309.
-LESLIE ANN G. AQUINO