MATAPOS kumpirmahin ni Derek Ramsay ang pakikipaghiwalay sa Kapuso actress na si Andrea Torres, nilinaw rin ng aktor na walang third party na sangkot sa kanilang hiwalayan.

pops

Gayunman, tila hindi naniniwala ang mga netizens. May mga rumors na third party umano ang dahilan ng breakup nina Derek at Andrea.

At isa ang pangalan ni Pops Fernandez sa nababanggit sa mga comment’s sa Instagram ni Derek. Bakit si Pops?

Tsika at Intriga

Gretchen Ho, may hirit tungkol sa pagiging 'bias'

Ilan sa mga komento ang: “omg kung ako ke pops alagaan nya na lang maige yung mg dogie nya.”

“Good pm sir derek sana ligawan mo si ms pops fernandez.”

“Bagay kayo sir derek ni ms pops fernandez.”

“@ramsayderek07 and MISIS pops Fernandez wins haha old naman gusto Derek.”

Tumanggap naman ng sarkastikong reply mula kay Derek ang comment na ito at sinabing: “Lahat na lang bigyan ng issue.”

Nitong Nobyembre 6, sina Derek at Pops ang nag-host ng joint Department of Environment and Natural Resources (DENR) at digital services provider PLDT Inc. (PLDT) kasama ng wireless unit nitong Smart Communications Inc. ng virtual press conference on Peatland Conservation.

Walang ibinigay na rason si Derek sa naging hiwalayan nila ni Andrea na sinabing, mabilis na nangyari ang lahat. Pinuri rin niya si Andrea for being a great woman.

-Robert Requintina