Nagpositibo sa COVID-19 si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” sinabi ni Dela Rosa sa maikling pahayag na ipinadala ng kanyang tanggapan nitong Sabado, Nobyembre 21.

Maayos ang lagay ng senadora sa kabila ng pagkakaroon ng sipon. Nahawahan din ng virus ang kanyang panganay na anak na babae ngunit walang sintomas, sinabi ng tanggapan ni Dela Rosa.

Kinumpirma ni Dela Rosa na nagkasakit siya ng coronavirus disease matapos na paalalahanan ni Senador Richard Gordon ang kanyang mga kasamahan sa plenaryo ng Senado na magpunta sa quarantine kung magkakaroon sila ng mga sintomas.

National

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas

“If one of us got exposed to one of our colleagues yesterday, the incubation period, is five days. If we get the symptoms, we immediately do something about it,” sinabi ni Gordon bago ang magsara ang sesyon ng Senado nitong Sabado ng umaga.

Si Gordon ay chairman din ng Philippine Red Cross.

Kasunod nito ay sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na, “The suspect is here on Wednesday.”

“If you start feeling a little woozy or whatever, then you start seeing your doctor and start quarantining yourselves,” patuloy ni Gordon.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang mga senador na pisikal na dumalo sa kanilang plenary session ay sumailalim sa antigen swab test. Sinabi niya na ang kanyang test ay nagbunga ng negatibong resulta.

Si Dela Rosa ang ikalimang senador na nahawahan ng COVID-19. Sina Senador Zuburi, Sonny Angara, Koko Pimentel at Bong Revilla ay pawang gumaling sa sakit.

-VANNE ELAINE P. TERRAZOLA