Tiniyak ng Kamara na hindi makaliligtas sa pananagutan ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) at mga lokal na pinuno ng Cagayan at Isabela sa malawakan at malalim na pagbaha sa dalawang probinsiya na kumitil ng maraming buhay at puminsala ng bilyun-bilyong pananim bunsod ng bagyong ‘Ulysses’.

Kinumpirma ni Quezon Rep. Wiflrido Mark Enverga, chairman ng House committee on agriculture and food, inimbitahan na nila ang NIA officials sa idaraos na pagdinig ng komite sa Nobyembre 24 upang malaman ang dahilan sa malawak na pagbaha na isinisisi sa pagre-release ng tubig mula sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

“Nais naming malaman ang katotohanan. May paniwala na walang ibinigay na abiso o advisory kung kailan pakakawalan ang tubig mula sa dam,” ani Enverga.

Gayunman, sinabi ng NIA na hindi ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam ang dahilan ng pagbaha.

National

DOJ Sec. Remulla, hinamon si Roque: 'Magpaka-Pilipino siya!'

Nilinaw ng kongresista na nais ng kanyang komite na madetermina kung kumilos ang mga opisyal ng NIA at naging responsable sa pagsunod sa mga protocol tungkol sa pagpapakawala ng tubig.

Bert de Guzman