Mahigit sa isang milyong magsasaka ng isa o kalahating ektaryang palayan ang makatatanggap ng P5,000 ayuda sa Disyembre.
Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at idinahilan ang sumobrang taripa na nakolekta ng pamahalaan mula sa pag-aangkat ng bigas.
Malaking tulong na aniya ito sa mga magsasakang naapektuhan ng coronavirus disease 2019, Rice Tariffication Law at sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Matatandaang inaprubahan ng Senate Committee on
Agriculture, Food and Agrarian Reform ang isang resolusyon nitong nakaraang buwan na magbibigay ng tulong pinansyal sa maliliit na rice farmers bilang resulta ng ‘excess rice tariff revenues.’
Ito’y nang kumolekta ang Bureau of Customs (BOC) ng higit P10 bilyong buwis sa imported rice noong Hulyo.
-Jun Fabon