Matapos isailalim sa state of calamity dahil sa bagyong ‘Ulysses, nakatakdang ipatupad ng gobyerno ang price freeze sa lahat pangunahing bilihin sa buong Luzon.

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry na kabilang sa hindi itataas ang presyo ng bigas, itilog, sariwang karne ng baboy, baka, essential medicines at iba pang basic goods at commodities.

Ang nasabing calamity declaration na may layuning mapadali ang paghahatid ng relief sa mga sinalanta ng bagyo ay nananatili pa rin may bisa hanggang hindi pa tinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte .

“Under a state of the calamity, there is an automatic price freeze of basic commodities for all implementing agencies of the Price Act for all areas declared under a state of calamity,” pahayag ni Roque.

National

Sen. Bato, 'di raw papahuli sa ICC: 'Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!'

Inilabas ng pamahalaan ang nasabing Proclamation No. 1015 na nagdedeklarang ilagay ng gobyerno sa state of calamity ang buong Luzon kasunod nang paghagupit ng bagyong Quinta,

Rolly, at Ulysses.

Sa nasabing proklamasyon, inaatasan nito ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipatupad at isagawa ang pagre-rescue, recovery, relief at rehabilitation work in accordance with pertinent operational plans and directives.

“They must also coordinate and augment the basic services and facilities of affected local government units.

-GENALYN KABILING