Tatlong bagong deputy speaker ang inihalal sa Kamara nitong Miyerkules at nagtalaga pa ng bagong mga chairman ng mga komite kaugnay ng pagbabago ng liderato sa Kapulungan.

Ang bagong deputy speakers ay sina Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza at Las Piñas Rep. Camille Villar.

Pinalitan ni Rodriguez si Capiz Rep. Fredenil Castro bilang deputy speaker noong panahon ni ex-Speaker Alan Peter Cayetano.

Inihalal din si dating Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza bilang bagong Secretary-General kapalit ni Atty. Jocelia Bighani Sipin na nag-resign sa puwesto para maging bagong Deputy Secretary General na magtatrabaho para kay Speaker Lord Allan Velasco upang pangasiwaan ang affairs ng tanggapan ng Speaker.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

Iihalal din si Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel Arroyo bilang chairman ng House Committee on Energy; Caloocan City 1st District Rep. Dale Malapitan bilang puno ng House contingent sa House of Representatives Electoral Tribunal; at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap bilang vice-chairman ng House Committee on Accounts.

Hinirang si Velasco bilang caretaker ng 1st District ng Cebu City dahil sa pagkamatay ni Rep. Raul Del Mar.

-Bert de Guzman