Namahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng direktang cash subsidy sa mga jeepney driver at operator na hindi nakapamasada noong panahon ng pandemya, sa ilalim ng Pantawid Pasada Program (PPP).
Sinabi ng LTFRB, ang direct cash subsidy ay programa ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act II upang magbigay-tulong sa operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon.
Sa mga driver at operator na hindi pa nakatatanggap, ang
pamamahagi ng direct cash subsidy ay gagawin sa mga sumusunod na pamamaraan, tulad ng paglalagay sa Landbank of the Philippines ng Pantawid Pasada Program Cash Cards habang sa mga walang PPP cash cards ay ilalagay sa ito sa kasalukuyang account sa LBP.
Aabot sa P6,500 ang iaayuda ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
-Jun Fabon